Ginulat ng Nigeria ang Team USA sa idinaos sa isang olympic tune-up game, 90-87. Ito ang unang pagkatalo ng USA sa isang Africa nation sa exhibition game. Kaya naman, may record ang U.S. na 54-3 sapol noong 1992.
Nanguna si Kevin Durant sa Team USA sa pagtala ng 17 points, Nagdagdag naman si Jason Tatum ng 15 points at 7 boards. Habang siDamian Lillard ay nag-ambag ng 14 points at 4 assists.
Nagtala lamang ang Team USA ng 26-of-63 o 41% shooting sa laro. Lamang ang Nigerians ng 3 points sa closing seconds. May pagkakataon silang i-tie ang laro.
Malaki rin ang naitulog na 20 three-point conversion ng Nigeria kaya nakasabay sila sa USA.
Gayunman, naapula ng team Nigeria ang three-point attempt ng team. Kung kaya, natalo ito. Kung matatandaan, tinalo ng USA ang Nigeria na may 83 points na kalamangan noong 2012 London Olympics.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2