November 24, 2024

NGO NA TUMUTULONG SA PWDs NAKATANGGAP NG P8M SA PAGCOR

IBINIGAY nina PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo (ikalawa mula sa kaliwa) at President and COO Alfredo Lim (kaliwa) ang P8 million grant ng state-gaming agency kina Physicians for Peace Philippines, Incorporated President Dr. Teodoro Herbosa (ikalawa mula kasa kanan) at Board of Trustees member Dr. Josephine ‘Penny’ Robredo Bundoc (kanan). Ang ipinagkaloob na halaga ay gagamitin sa training ng mga scholars para sa prosthetics-making course.

Nakatanggap ngayon ang isang non-government organization na umaalalay sa mga persons with disabilities (PWD) ng P8 milyon na tulong pinansiyal mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para suportahan ang operasyon nito.

Binigyan ng tulong pinansiyal ang Physicians for Peace Philippines, Incorporated (PFPPI) para sa programang pinangalanang “PAGCOR Cares”, na sumusuporta rin sa mga training at workshop, conferences, scholarships at sa mga sangkap sa paggawa ng prosthetics na isinasagawa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Malaki ang pakinabang ng mga PWD sa mga programa ng PFPPI, lalo na ang mga amputee na nangangailangan ng prostheses. Ito ay kabilang sa 70 operational franchieses ng global organization na Physicians for Peace. Pinatakbo rin ng institusyon ang mga pasilidad para sa mga pasyente na nangangailangan ng medical optical attention at mga biktima ng sunog.

Personal na inabot ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo ang tulong ng ahensiya kay PFPPI Chairman Dr. Teodoro Herbosa sa isang simpleng turnover ceremony sa PAGCOR Executive Office sa Maynila.

Ayon kay Dr. Herbosa, malaking tulong ang donasyon ng PAGCOR para sa training ng mga indibidwal na kinuha nila bilang mga scholar para sa prosthethics-making course.


 “We partnered with the University of the East, and we put up the Philippine school of prosthetics and orthotics. These are people who take a three-year course and learn how to make fine prostheses for amputees. We have had many scholars, and this is the project now with PAGCOR that we have named PAGCOR Cares,” paliwanag niya.

Ayon kay PFFPI board member Dr. Josephine Bundoc, na kasa ni Dr. Herbosa sa event, na hindi nakagambala ang pandemya sa kanilang pagsisikap na harapin ang mga pangangailangan ng mga PWD na lumapit sa kanila para sa kanilang prostheses requirements. “We lack professionals who can provide appropriate, affordable and accessible care for PWDs. That is why together with the provision of service, we do training and we provide scholarships for people who want to become skilled in the art and science of creating prosthesis,” saad niya.

Dagdag ni Dr. Bundoc, nagsasagawa rin ang PFPPI ng mobile prosthetics at orthodontics workshop para ilapit sa mga PWD na nahihirapang bumiyahe.