November 24, 2024

NEWLY ELECTED OFFICERS NG PDP LABAN NANUMPA KAY PDUTERTE

May bago nang opisyales ang Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) matapos mabakante ang16 na puwesto nito.

Kaninang hapon nang pormal na makabuo ng mga bagong opisyales na agad naman personal na nanumpa kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isinagawa sa Royal Hotel, Clark, Pampanga.

Si Energy Secretary Alfonso Cusi ang tumayong Pangulo ng PDP-Laban pakatapos ang idinaos na botohan.

Sa talumpati ni Cusi, ipinagako niyang siya ay tatalima sa kanilang pinanumpaan na pagbibigay ng gabay sa buong partido.

Nagpasalamat din si Cusi sa mga kasapi ng partido sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya bilang tatayong ama ng PDP-Laban.

Kabilang sa mga bagong opisyales ng partido na nanumpa kay Pangulong Duterte sina : Cabsec Karlo Alexie Nograles bilang EVP; Mayor Edwin Olivarez bilang VP MM; Sec. Raul Lambino bilang VP Luzon; Gov. Ben Evardone bilang VP Visayas; DG Ching Plaza bilang VP Mindanao; Sec General naman si Atty. Melvin Matibag; Treasurer si Mayor Rianne Cuevas; Auditor si SBG.

Elected Chair Membership naman si Astravel Pimentel, Naik, exec Dir of Commission of Filipino Overseas; Chair Education Sec. Noel Felongco; Chair Finance, Gov. Tony Kho; Chair Legal, Atty. Richard Nethercott, Chair Public Info, Usec. Jonathan Malaya; Chair Livelihood si Reymar Mansilungan at Chair Youth si Atty. Kat Contacto.

Nagpasalamat din si Cusi sa mga kasapi ng partido sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya bilang tatayong ama ng PDP-Laban.

Matapos ang panunumpa, sa talumpati ni Pangulong Duterte ay sinisi nito si Senator Koko Pimentel kung bakit nagkaroon ng magkakaibang paksyon o pagkakaroon ng pagkawatak-watak sa loob ng partido.

Giit ni Pagulong Duterte na hindi naman tamang pamamaraan ang ipinatupad ni Pimentel na nagtalaga ng isang Presidente nung panahon na siya ay nagbitiw bilang Presidente ng PDP-Laban.

Diin ni Pangulo Duterte na walang batas ng by laws nila na nagsasabing mag-appoint ka ng bagong presidente kaya nilinaw ng Pangulo, wala naman alam si Senador Manny Pacquiao sa nasabing mga proseso kaya kung ano man ang sabihin dito ay susunod lamang.

Kaya naman sa talumpati ng Pangulong Duterte na nais nitong paalalahanan si Pimentel na ang partido ng PDP ay matagal nang hindi aktibo pero nabuhay mula nang sila ay sumali sa nasabing partido.

Sinabi pa ng Pangulong Duterte na sa matagal na panahon ang PDP Laban ay isang ‘father and son party’.

Ayon pa sa Pangulo, inaasahan na niyang gumagawa na ng petisyon si Pimentel sa Comelec kaya naman pinaalalahanan nito ang publiko na maghintay na lamang ng susunod na mangyayari.

“Ang nagsimula ng gulo sa partido ay si Pimentel dahil hindi ito ang tamang pamamaraan ng pagpapatakbo ng partido,” wika pa ni Pangulong Duterte. Binigyan diin pa ng Pangulo na hindi rin nito alam kung ano ang nagtulak kay Pimentel para i-appoint as acting president si Pacquiao dahil biglaan rin itong ginawa dahilan bg pagkakawatak watak ng partido.