
Pinisa ng New York Knicks ang Milwaukee Bucks sa iskor na 113-98. Nagtuwang sina Julius Randle at Derrick Rose sa kanilang 55 points combination upang buhatin ang Knicks.
Gumawa si Randle ng 32 points, 12 boards at 4 assists. Habang si Rose naman ay kumana ng 23 points, 8 boards at 4 assists. Nag-ambag naman si RJ Barrett ng 20 points, 7 boards at 3 assists.
Nakabalikawas ang Knicks mula sa 21 point lead deficit.
Nakahabol sila sa third quarter at naitabla pa ang score sa 80-all. Mula rito, nakaungos na ang Knicks at tinambakan ang Bucks ng 20 points.Sa panig naman ng Milwaukee, bumira si Giannis Antetokounmpo ng 25 points, 7 boards at 4 assists.
Sa iba pang laro, inararo ng Brooklyn Nets ang Detroit Pistons, 96-90. Nanguna si Kevin Durant sa Nets sa pagbuslo ng 29 points at 10 boards.
Habang si LaMarcus Aldridge naman ay kumana ng 16 points. Nag-ambag naman si James Harden ng ng 13 points, 9 boards at 10 assists.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT