Bilang pakikiisa sa kampanyang #RegisterToVote para sa Halalan 2022, inihahandog ng SK Santa Lucia, Pasig City at ni Konsehal Maro Martires ang New Voters’ Perks Project para sa mga nagrehistro bilang bagong botante, nag-reactive, o nag-transfer ngayong Setyember 2021 na residente ng naturang lugar.
Para sa proyektong ito, magrehistro sa pamamagitan ng Google Form sa https://tinyurl.com/NewVotersPerksProject
“Up to 200 slots only! Maaari kayong makatanggap ng 1 box ng face mask at alcohol,” ayon sa post ni Martires.
“Mahalaga ang bawat boto kaya magrehistro at bumoto nang tama at makatao para sa hinaharap ng bansa. Huwag sayangin ang inyong karapatan bumoto, pati na rin ang pagkakataon na makatulong para umangat muli ang estado ng bansa at ng pamumuhay,” ayon pa sa konsehal.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA