MAARING isailalim na sa “new normal” ang ilang lugar sa bansa na COVID-19 free o walang naitalang kaso ng COVID-19.
“[A]ko mismo ang nagmungkahi at nag-agree naman ang IATF na there will be areas na merong zero transmission in the past month na pupwede nang i-deklara as under the regime ng new normal,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, na tumatayo ring Inter-Agency Task Force spokesperson.
Ito’y sa gitna na rin ng unti-unting pagluluwag ng quarantine status dahil sa nagbabago nang sitwasyon sa bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Hindi naman tinukoy ni Roque ang mga lugar na ito pero pangunahin na rito ay mga lugar na nakasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).
Paglilinaw pa ni Roque, ‘di niya tiyak kung maaari nang ibaba ang Metro Manila sa modified GCQ pagpasok ng Oktubre.
Kailangan pa kasi aniyang makita ang kakayanan ng critical capacity ng healthcare facilities para tugunan ang mga kaso ng sakit kabilang ang paglalagay ng mga bagong pasilidad, at mga kama na magagamit ng mga tatamaan ng virus, bukod pa ang pagbaba ng kaso ng sakit sa rehiyon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA