
Maaaring maging magkapitbahay ilan sa 4 na Tokyo Olympics medalist sa mga susunod na buwan. Ito’y matapos i-awarded ang ipinangako sa kanilang house and lot unit sa kanilang probinsiya. Ito ay katuparan ng ipnangako sa kanila ni Pangulong Duterte.
Inanunsiyo nina Philippine Sports Commission Chairman Butch Ramirez at National Housing Authority General Manager Marcelino P. Escalada, Jr. ang naglakad sa prosesong ito.
Naka-iskedyul ang turnover ng fully-furnished, 2-storey houses na handa na sa occupancy. Ito ay ibibigay na kina Hidilyn Diaz at Eumir Felix Marcial sa September 2.
Ang turn-over naman ng units kina Nesthy Petecio at Carlo Paalam sa Davao ay inaanunsiyo sa mga susunod na araw. Magiging magkapitbahay na kung sakali ang dalawa kapag naukupahan na nila ang bagong units.
More Stories
Dating Mayor Joric Gacula, buong pusong tumanggap ng pagkatalo sa halalan
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)