November 2, 2024

New cases ng COVID-19 dahil sa spikes, hindi dahil sa variants

Magandang araw mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Mag-iisang taon na buhat nang maranasan natin ang bangungot ng COVID-19. Marso 2020 nang ipatupad ang lockdown.

Hayun, tengga tayo sa ating mga kabahayan. Bawal lumabas. Grounded muna ang mga libangan natin. Akala natin ay okay na habang lumuluwag na ang mga restriksyon.

Pero, dahil sa pagluwag nga ng sitwasyon,nawiwili ang iba sa atin. Naglilibang. Namamasyal.May ilan na hindi nagsusuot ng face mask at face shield kapag lalabas ng bahay. Katuwiran, malapit lang naman ang pupuntahan.

In short, sila ang mga pasaway. Kaya ang iba, damay. Tsk! Wala na ring social distancing.Kaya ang resulta, muling lumobo ang kaso ng tinamaan. Another kalbaryo nanaman ba ito? Ito na ba ang sinasabi nilang ‘second wave’?

Hindi naman. Mismong ang isa sa kinatawan ng World Health Organization (WHO) sa bansa na si Dr. Rabindra  Abeyasinghe ang nagpaliwanag.

Aniya, ang muling pagsipa ng kaso ay bunga ng spikes at hindi ng variant. Kaya di dapat mabahala. Pero, nararapat na sundin pa rin ang helath protocols.

Ito rin ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Aniya, nagkataon lang na ang biglaang dagdag ng cases sa kaso ng UK at South African variants.

Kaya, hindi dapat matakot ang taumbayan. Easy lang pero manatiling maging masunurin. Lalo na’t dumating na ang ilang doses ng vaccine sa ating bansa.

Kahit papaano, magiging panatag tayo kapag nabakunahan na. Dahil ito ang pananggalang natin sa sakit. Higit sa lahat, ang pananalig at pag-iingat ng Maykapal.