Nakikipagsabayan na rin ang Net 25 station sa pagpapalabas ng de-kalidad na shows at programa. Kumbaga sa takbuhan, hindi na sila pahuhuli sa mga major networks. May mga core na rin sila ng mga talents at artista. Kung kaya, tumataas ang rating ng naturang TV station.
Kung meron palabas na teleserye, game show, comedy, aba’y meron na niyan ang Net 25. Kabilang na rito ang ‘Tara Game, Agad-Agad, hosted by Aga Muhlach. Mapapanood ito tuwing Linggo, alas 7:00 ng gabi. Gayundin ang ‘Bida Kayo Kay Aga’ na tungkol sa mga inspiring Pinoys.
Sa Comedy Show naman, nariyan ang ‘Funniest Snackable Videos‘ ni stand-up comedian Alex Calleja. Mapapanood naman ito mula Lunes-Biyernes tuwing alas 4:30 ng hapon. Kapag Sabado naman ng alas 8:00 ng gabi, sasakit ang tiyan mo sa ‘Oh No, It’s Biro Only‘ ni henyo Joey De Leon.
Magpapatawa naman tuwing Linggi ng alas 8:00 ng gabi ang ‘Quizon Comedy Theater’ ng Quizon siblings. Ito’y sina, Vandolph, Eric at Jeffry Quizon. Napasama rin si komikerong Jojo Alijar sa palabas niyang ‘ Shopping All the Way with Jojo A’.
Kaabang-abang din ang primetime program ng istasyon na ‘ Panalo o Talo, It’s You. Pinagbibidahan ito nina Elmo Magalona at Arielle Roces. Swak din ang Korean series na ‘Never Twice’, Mi Esperanza at Palabra de Amor.
Tampok din ang artists at star core ng istasyon sina Berwin Melly, Diana Meneses, Mariel Rodriguez, Gladys Reyes, Ali Sotto, Nina Alagao-Flores, Apple David, Pia Guanio, Nadia Montenegro, Emma Tiglao, Tonipet Gaba at iba pa.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
Emilio Jacinto, Utak ng Katipunan at Rebolusyon
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest