Ginulat ni Nesthy Petecio si no. 1 seed Lin Yu-ting, 3-2 ng Taiwan sa kanilang match up sa Round of 16. Tinalo ng Pinay pug si Lin sa women’s featherweight sa Tokyo Olympics. Dahil dito, pasok na sa quarterfinal round ang Filipina boxer.
Bagama’t nangapa sa mga unang rounds ng laban,nakabawi si Petecio. Sa bandang huli sa pamamagitan ng late flurry. Kaya naman, nakamig nito ang split decision victory kontra sa mas matangkad naTaiwanese.
Kung tutuusin, nakuha ni Petecio ang opening round. Nakapagtama rin sya ng solod right seconds sa match. Gayundin ng straight left.
Si Lin naman ay nakabawi sa next round sa kanyang clear shots. Ginamit din nito ang kanyang reach at height advantage na 5’8 kay Nesthy.
Gayunman, pumabor ang mga judges kay Petecio dahil sa kanyang explosive finish sa last round. Makahaharap niya sa quarterfinals sa Miyerkules si Yeni Marcela Arias ng Colombia. Ito’y sa ganap na alas 10:00 ng umaga sa Kokugikan Arena.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA