
GINAMIT ni Filipina boxer Nesthy Petecio ang unang round para kilatasin ang lakas ng kanyang kalaban bago siya magpakawala ng malalakas na suntok patungo sa Paris Olympics quarterfinals.
Tinalo ni Petecio ang home bet na si Amina Zidani ng France sa huling dalawang rounds para makuha ang split decicion win sa round of 16 ng women’s 57kg division sa North Paris Arena nitong Sabado, Agosto 3.
Muling ipinakita ang bilis, lakas at abilidad na siyang nagpanalo sa kanya sa world championship at silver medal sa nakaraang Tokyo, nakuha ni Petecio ang boto ng apat sa limang hurado sa iskor na 30-27, 29-28, 29-28, 29-28, 28-29.
Haharapin ni Petecio si Xu Zhichun sa quarterfinals sa Linggo, Agosto 4, para sa tiyak na medalya. (RON TOLENTINO)
More Stories
DOH: Walang Lockdown Dahil sa Mpox, Mag-ingat sa Fake News!
Pagpapalawak ng P20 rice program, pinuri ng Navotas solon
ILIGAL NA ‘PAKYAWAN’ PAY SYSTEM? TULFO AT DOLE SUMALAKAY SA PAGAWAAN NG CHICHIRYA