Umabanse si Pinay boxer Nesthy Petecio sa final ng olympic boxing. Nanalo si Petecio via split decision kontra Irma Testa ng Italy sa semifinal bout.
mifinal bout. Apat sa limang judges ang nagbigay ng 49-48 kay Petecio sa scorecards.
Sa unang round ay medyo nangapa pa si Nesthy. Pero, lumagare na ito nang sumunod na rounds. Nakakalusot ang mga suntok niya sa may matangkad na si Testa. Ito ay may taas na 5’8, samantalang siya ay 5’2 lamang.
Dahil sa panalo, si Petecio ang unang Filipino boxer na umusad sa olympic finals matapos ang 25 taon.
Hihintayin nya nalamang ang mananalo kina Karriss Artingstall ng Great Britain at Sena Irie ng Japan. Kung sino ang magwawagi sa dalawa, yun ang makahaharap niya sa finals sa August 3.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna