November 23, 2024

Negros Occidental mayor pinawi pangamba sa P2-billion palm oil plantation project

Pinabulaanan ng alkalde ng Candoni, Negros Occidental, ang ipinahayag ng organized farmers’ organization na tinatayang nasa 100 magsasaka at kanilang pamilya ang labis na maapektuhan ng ongoing ground works para sa P2-billion palm oil plantation project, at posibleng mawalan ng maraming tahanan sa hindi bababa sa tatlong barangay sa nasabing munisipalidad.

“It’s impposible,” ayon kay Mayor Ray Ruiz, kung saan nabanggt ang agreement sa pagitan ng town government at Consuji group’s Hacienda Asia Plantation Incorporated (HAPI), na siyang nangangasiwa sa proyekto.

Noong Hulyo 23, sinabi ng Gatuslao Agro-Forestry, Banana, and Sugarcane Farmers’ Association (GABASFA), apektado ngayon ang farming communities sa mga barangay ng Agboy, Gatuslao at Payawan sa ilalatag na proyekto. Damay din ang tinatayang 100 pamilya ng mga magsasaka.

Una nang sinabi ni GABASFA President Carlito Catacata, na 1,000 pamilya ang mawawalan ng bahay dahil sa proyekto.

Gayunpaman, tiniyak ni Ruiz na walang pamilya ang mawawalan ng tahanan at hindi rin gagalawin ang kanilang sakahan.

Aniya, pumasok sa kasunduan ang Candoni town government at HAPI para tiyakin na walang residente sa kanilang lugar na dinedevelop ang mapapalayas sa kanilang lugar.

Sinabi rin ni Ruiz na isang malawak na proseso ng konsultasyon ang naganap bago pa man simulan ng HAPI ang proyekto nito sa bayan upang matiyak na magkakaroon ng inklusibong partisipasyon ng mga komunidad sa paggawa ng desisyon.

“HAPI secured an Integrated Forest Management Agreement (IFMA) from the Department of Environment and Natural Resources (DENR) in 2009 for more than 6,000 hectares of forest land. Only 90 hectares were being used by people there for agricultural pursuits,” ayon kay Gatuslao Barangay Chairman Randy Dolloso.

Paliwanag ng alkalde, 3,00 sa 6,652 hektarya ng lupain ang gagamitin ng HAPO na saklaw ng IFMA. “[HAPI] will just use more than 3,000 hectares, including the establishment of its processing plant. Not all lands covered by the agreement will be developed,” aniya.

Ayon pa kay Ruiz, saklaw lamang ng plantation project ng HAPI ang area sa Gaatuslao at hindi aabot sa mga barangay sa Agboy at Payawan, kontra sa pahayag ng GABASFA.

“I am willing to stand and file a petition for the revocation of the palm oil project if my constituents are coerced or intimidated by any personnel of HAPI,” ani Ruiz.