December 23, 2024

Negosyo parang nasa kumunoy dahil sa COVID -19

Dahil sa patuloy na pagpapatupad ng quarantine sa bansa simula nang lumaganap ang Covid-19 tila pinatapak sa kumunoy ang mga maliliit na negosyante.

Sa loob mga Cabalen ng 3 buwang pananatili ng pandemic at pag-papairal ng quarantine sa bansa patuloy ang paglubog ng mga negosyo. Unti unting naglalaho tila nakatapak sa kumunoy.

Marami ang naghihikahos. Mga naghahanap ng trabaho dahil karamihan sa ating mga manggagawa ay biktima ng pagsasara ng mga negosyong labis na naapektuhan ng krisis dulot ng quarantine.

Hindi tayo makagalaw mga Cabalen. Walang mapuntahan. Marami sa ating mga negosyante at establisimiyento ay nakapinid pa hanggang ngayon.

Lagapak ang ekonomiya. Hindi alam ang patutunguhan. Maraming programang nais ipatupad ang pamahalaan upang makatulong sa mga naapektuhan ng pandemic. Pero bakit tila walang natutulungan?

Mga Cabalen, sa tingin po ba ninyo kailan magaganap ang inaasahan nating pagbangon mula sa kumunoy? Bago tuluyang lumubog ang ating ulo at hindi na makaahon pa.

Ang mga pinahirapang negosyo ng mahabang panahon sa loob lamang ng tatlong buwan nawala. Papaano na tayo babangon?

Nais man nating buksanng muli ang negosyo lalo na ang maliliit na kumpanya upang mabigyan ng trabaho ang ating mga Cabalen, paano nating magagawa? Paano tayo ahon mula sa kumunoy?

ooo

Ilang beses nang inanunsiyo ni Pangulong Duterte ang ayuda para sa ating mga Cabalen pero pinutakti naman at sinamantala ng mga ganid na kapitan ng barangay.

Ang sabi ng DILG kakasuhan ang mga hangal sana nga magkatotoo yan. Dapat lamang na singilin ang mga walang kunsensiyang kapitan kasama ang kanyang mga opisyales na nangupit ng ayuda. Pinamudmod sa kaanak ang ayuda na para sa taong bayan.