
Nasa hold departure ngayon makaraang matimbog ang isang 38-anyos na negosyante nang mahulihan ng baril na may magasin at mga bala sa kaniyang bag sa NAIA.
Sa bansang Singapore sana tutungo ang negosyante, subalit nang dumaan na ito sa X-ray machine para sa pagsusuri ay nadiskubre sa kaniyang bagahe ang pistol, dalawang magasin, at 22 piraso ng bala.
Walang maipakita ang suspek na mga kaukulang papeles para sa kaniyang armas, kung kaya’t inaresto siya ng pulisya.
Masusing pagsisiyasat ngayon ng mga awtoridad kaugnay ng naging insidente. (BG)
More Stories
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification