
NAGPASYANG magkapamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang 51-anyos na negosyante matapos makaranas umano ng depresyon na may kaugnayan sa kanyang negosyo sa Malabon City.
Natuklasan ang duguang bangkay ng biktimang si alyas “Tony” ng kanilang family driver na si alyas “Nats” sa loob ng stock room ng kanilang tirahan sa Brgy. Concepcion na may tama ng bala sa ulo dakong alas-5 ng hapon.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, hawak pa ng biktima ang ginamit na kalibre .22 magnum revolver na may nalalabi pang pitong bala at isang basyo sa chamber na ginamit sa pagpapakamatay.
Inamin umano ng asawa ng biktima sa pulisya na dumaranas ng bahagyang depresyon ang kanyang mister dahil sa kanilang negosyo.
Nakasaad sa report nina P/MSg Mardelio Osting at P/SSg Sandy Bodegon, may hawak ng kaso, na isasailalim pa sa autopsy examination ang bangkay ng biktima upang matiyak na walang foul play sa naganap na insidente.
More Stories
GSF MASTER CRISANTO CUEVAS AWARDEE SA GABI NG PARANGAL NG GILAS 2025
Petrolyo May Taas-Presyo sa Susunod na Linggo — DOE
Balik-Liderato? Sotto Kinausap ng Ilang Senador Ukol sa Senate Presidency