TINAKPAN ng karton ang duguang nakahandusay na katawan ng negosyanteng si Richmann Neal So y Chua matapos barilin sa Arranque Market sa Sta. Cruz Manila, kahapon.
AGAD binawian ng buhay ang isang negosyanteng Filipino-Chinese matapos barilin ng dalawang nakamotorsiklong salarin sa Sta. Cruz, Manila, Martes ng hapon.
Knilala ni Manila Police District ang biktimang si Richmann Neal So y Chua, 48, may asawa, nakatira sa San Juan City.
Nabatid na dakong alas-5:00 ng hapon nang mangyari ang pamamaril malapit sa Arranque Market sa kahabaan ng CM Recto kanto ng T, Alonzo St., ng nabanggit na siyudad.
Ayon sa ulat, nakatayo lamang ang biktima sa nasabing lugar nang barilin ito ng mga suspek na lulan ng dalawang motorsiklo.
Inaalam na ng MPD-Homicide Section kung may mga CCTV sa lugar na maaring makapagbigay ng lead sa pagkakilanlan at ikaaresto ng mga suspek.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK