Laganap ngayon ang quickie swab test na nagkakagalaga ng P10,000 to P20,000 sa airport, mga hotels at mga pier para sa mga OFWs, foreigners and locals na bumibiyahe pauwi at nanggaling ng mga probinsiya.
Ito ang mga natanggap natin na mga tip mula sa mga nabiktima. Sabi nila no choice sila dahil may mga “fixer” or agents na rekta sa mga private laboratories.
May mga pauwi puntang probinsya at papuntang National Capital Region na nakakakuha ng mga negative swab test bilanh requirement sa kanila para makabiyahe.
Tubong lugaw ang mga raketero sa mga parating na mga foreigners at Overseas Filipino Workers dahil pagdating ng airport parang naka-ready na ang negatibe swab test results ng mga pasahero. Ganun din sa mga departing OFWs. The faster you give money the faster the result.
Napipilitan daw ang mga nagsumbong na pumatol dahil gusto nilang umiwas sa mas magastos na 14-day quarantine at nang makauwi sa kanilang pamilya at makapag-trabaho naman para sa mga OFWs.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino