TINUTULAN ng 17 agriculture groups ang tapyas-taripa at hiniling ang resignation ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan dahil sa kanyang “pro importation ideology.”
Kabilang sa grupo ay ang SINAG, FFF, KMP, PHILCONGRAINS, ABONO Party-list, UBRA, Phil Egg Board, NFHFI, AGAP Party-list, Phil Palay, PCAFI, PhilMaize, AA, RWAN, IRDF, Bantay Bigas, at P4MP.
Ayon kay Jayson Cainglet, executive director ng SINAG, na nagsama-sama ang nasabing 17 agriculture groups dahil kay Balicasan dahil tutol sila sa kanyang panukala na tapyas-taripa sa agricultural products.
“Iyan ang mga pinag buklod ni Balisacan. Kahit differing view sa RTL (Rice Tariffication Law), NFA (National Food Authority); we are all united today,” saad niya.
“Susulat kami nang formal kay Presidente. I have confidence that if we have a face-to-face meeting with him, I think we have to tell him that we want Secretary Balisacan to step down,” pahayag ni Leonardo Montemayor, dating Department of Agriculture (DA) chief at chairperson ng FFF (Federation of Free Farmers).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA