January 24, 2025

NDRRMC NAKAALERTO SA TRASLACION 2024

Inihahanda ng isang deboto ng Itim na Nazareno ang kasing laki ng tao na imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa loob ng kanyang bahay sa Mandaluyong City. Bukod sa selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila tuwing ika-9 ng Enero, nagsasagawa rin ang Mandaluyong City ng sarili nitong prusisyon bilang tanda ng pagdating ng imahe ng Nuestro Padre Señor Jesus de Nazareno o ang Jesus the Black Nazarene mula sa orihinal na tahanan nito sa Luneta patungong Quiapo sa Maynila. (Kuha ni ART TORRES)

ISANG “blue alert” ang ipinatupad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa Traslacion ngayong taon, ang grand procession ng imahe ng Itim na Nazareno.

Sa ilalim ng blue alert, 50% ng mga tauhan ng NDRRMC ang naka-standby para sa posibleng emergency.

 Sa inilabas na kalatas, sinabi ng Office of Civil Defense na mahigpit na nakamonitor ang NDRMMC at nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno at security forces para sa mga insidente na maaring maengkwentro sa selebrasyon bukas.

Dagdag pa nito, tutukan din ng Manila City DRRM Office ang sitwasyon at reresponde sa mga emergency.

Samantala, 16,000 tauhan ng Philippine National Police, ang ide-deploy para tiyakin ang kaligtasan ng mga deboto para sa mga gagawing aktibidad.