December 27, 2024

NCR PLUS ISASAILALIM SA GCQ WITH ‘HEIGHTENED RESTRICTION’ SA MAYO 15


Binabaan na ang restrictions qualification ng National Capital Region (NCR) Plus mula Mayo 15 hanggang Mayo 30.

Sa naging national address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, na isasailalim sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang NCR, Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite.

Habang nasa GCQ lamang ang mga lugar ng Cordillera Administrative Region, Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province at Abra; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya in Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Puerto Princesa in Region 4-B; Iligan City in Region 10; Davao City in Region 11; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Inilagay naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Mayo 15 hanggang Mayo 31 ang Santiago City at Quirino Province sa Region 2, Ifugao sa Cordillera Administrative Region at Zamboanga City.

Ang natitirang mga lugar naman sa bansa ay inilagay sa Modified General Community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan.

Sa mga nasa heigthened restriction sa NCR ay tanging mga essential travel papasok at palabas sa NCR Plus ang papayagan lamang.

Papayagang bumiyahe ang mga pampublikong sasakyan basta sumunod sa ipinapatupad na protocols na nakasaad sa Department of Tranportation (DoTr).

Papayagan ang indoor dine-in services sa NCR Plus na mayroong 20% seating capacity habang ang outdoor o al fresco dining ay limitado 50%.

Papayagan ding bubuksan ang mga tourist attactions sa NCR Plus na mayroong 30% na mahigpit na ipatupad sa minimum public health standards.

Kabilang din na papayagan sa NCR plus ang mga specialized markets ng Department of Tourism (DOT) basta sumunod sa minimum public health standards.

Ang mga religious gatherings at mga services gaya ng burol at libing ay papayagan sa 10% sa venue capacity maliban lamang kung ang ikinamatay ay COVID-19.

Ipagpapatuloy din sa GCQ area na may heightened restrictions ang non-contact sports sa outdoor contact sports, games, scrimmage at mga personal care services gaya ng salons, parlors, beauty clinics na mayroong 30% capacity.

Papayagan na ring lumabas ang nasa edad 18-65 sa GCQ areas with heightened restrictions.

Hindi naman papayagan ang sa GCQ with heighetened restrictions ang mga bars, concert halls, theaters, recreational venues, internet cafes, billiard halls, arcaeds, amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides, indoor sports courts, venue and indoor tourist attractions, venues for meetings, conferences at exhibitions.

Bawal pa rin ang interzonal travel mula sa NCR plus areas maliban sa mga Authorized Persons Outside Residence (APORS).