Simula Setyembre 8 hanggang 30, ibabalik sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) kahit patuloy na sumisipa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sisimulan din ang implementasyon ng mga localized lockdown sa mga lugar kung saan mataas ang kaso ng coronavirus.
“Magkakaroon po ng pilot dito sa Metro Manila at ito po ‘yong tinatawag nating localized lockdowns,” wika ni Roque sa press briefing nitong Lunes.
Aniya, ilalabas ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang guidelines sa localized lockdown sa mga pilot area.
Tatlong sunod na araw nang nakapagtala ng higit 20,000 kaso ng COVID-19 sa bansa at noong Linggo, nagbabala ang OCTA Research na posibleng umabot pa ito ng 30,000 sa mga susunod na araw.
Samantala, sampung lugar naman sa bansa ang isinailalim sa modified enhanced community quarantine mula Setyembre 8 hanggang 30.
Ito ay ang Apayao, Bataan, Bulacan, Cavite, Lucena City, Laguna, Rizal, Iloilo province, Iloilo City at Cagayan De Oro City. Ang ibang lugar naman sa bansa ay nasa GCQ.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA