January 23, 2025

NCR, balik-MECQ ‘pag tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Hulyo 31

MAARING ilagay sa  modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila sa July 31 kapag patuloy na tumaas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

“Yes, a reversion to MECQ or a more stringent quarantine is possible. I hope it will not happen though,” ayon sa panayam kay Presidential Harry Roque sa CNN Philippines.

Nitong Martes, nasa 38,248 COVID-19 infection ang naitala sa Metro Manila, kung saan 24,244 dito ang aktibong kaso, ayon sa Department of Health.

Habang 13,037 ang tuluyang gumaling, 967 naman ang namatay sa nasabing sakit sa Kalakhang Maynila