PINAIIMBESTIGAHAN na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation o NBI ang napabalitang pagbebenta ng bakuna laban sa corona virus disease sa mga lungsod ng San Juan at Mandaluyong.
Ayon kay Guevarra, noon pang Biyernes ay binigyan na niya ng instructions si NBI acting chief Eric Distor hinggil sa isasagawang imbestigasyon.
Inatasan aniya si Distor na pakilusin ang NBI order Cybercrime Division at iba pang unit ng bureau upang siyasatin ang nasabing alegasyon.
Bukod sa illegal sale ng anti-covid 19 vaccines ay pinaiimbestigahan din ng kalihim ang bentahan ng vaccination slots.
Ginawa ng kalihim ang hakbang bilang tugon sa kahilingan ni Metro Manila Develompent Authority Chairman Benhur Abalos na imbestigashan ng NBI ang insidente.
Kaugnay nito, tiniyak ng kalihim na maglalabas siya ng Department Order sa NBI upang kumilos.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA