CEBU CITY – Inilabas ng National Bureau of Investigation in Central Visayas *(NBI-7) ng cartographic sketch ng gunman na pumatay sa abogado na si Rex Fernandez sa naganap na ambush noong Agosto 26, 2021 sa Banawa, Barangay Guadalupe, Cebu City,
Ibinase ang cartographic sketch sa paglalarawan ng mga saksi sa suspek, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala.
Base sa impormasyon na nakalap ng NBI-7, ang gunman ay nasa mahigit 30-anyos na, at may tangkad na 5’4” hanggang 5’6.” Kayumanggi ang balat nito at slim ang pangangatawan.
Ang suspek, na nakuhanan ng security camera ang pamamaril kay Fernandez, ay nakasuot ng pinkish-red long sleeves at faded na denim shorts. Armado ito ng .45 caliber pistol na ginamit niya sa pagpaslang sa biktima.
Agad siyang tumakas sa lugar kasama ang kanyang kasabwat na naghihintay sa kanya lulan ng motorsiklo.
Umapela naman ang NBI-7 sa publiko na tulungan silang mahanap ang suspek. Maaring tawagan ng impormante ang NBI-7 sa numerong 0945 127 8229 o 032-256 3366
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA