Ito umano ang iniulat mismo sa kanya ni NBI OIC Eric Distor pero hindi na raw idinitalye ng opisyal kung paano nabaril ni Manguerra ang kanyang sarili.
Para kay Guevarra, malaking kawalan ang pagkamatay ni Manguerra lalo na’t malapit na ang full blast implementation ng Anti Terror Law.
Umaasa naman ang kalihim na patuloy pa rin ang NBI na maging mapagmatyag laban sa terorismo bilang pagkilala sa pagpupursige ni Manguerra.
Lumalabas na si Manguerra ay ang naging dahilan sa pagkaaresto noon ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa buong bansa maging dito sa Metro Manila.
Una rito, sinabi ni Guevarra na base sa nakalap niyang impormasyon ay namatay si Manguerra dahil sa isang tama ng bala ng baril sa kanyang tiyan.
Ang biktima, ani Guevarra, ay mag-isa lamang daw sa kanyang opisina sa loob ng NBI main office sa Maynila nang mangyari ang insidente noong Lunes ng gabi.
Dagdag ni Guevarra, may nakuha rin siyang impormasyon na mayroong seryosong karamdaman si Manguerra na colon cancer, batay na rin partner ng biktima.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA