Humingi ng paumanhin partikular na sa mga kababaihan ang National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo De Lemos, matapos mag-viral ang video na nagsasayaw nang sexy ang isang bebot sa isang pagtitipon ng ahensya noong nakaraang Hunyo 30.
“Una sa lahat humihingi kami ng paumanhin dahil sa hindi namin intensyon na makasakit ng damdamin ng kababaihan,” ayon kay De Lemos sa isang press conference nitong Biyernes.
Kasabay nito ang kanyang kautusan sa pagsasagawa ng imbestigasyon para matukoy kung sino ang may pananagutan sa insidente at mapanagot sa nangyaring kahihiyan sa kanilang ahensya.
“Pinapaimbestigahan na natin ang pangyayari, kung sino ang nag-imbita, ang nagdala ng dancer at kung sino ang nagpahintulot na mag-perform sila doon sa NBI socials.
Aalamin natin kung sino ang dapat managot sa pagkakamali na ito,” pangako ni De Lemos.
Ipinaliwanag niya na isang command conference ang nangyari ng araw na iyon. Nang matapos ito, nagkaroon ng fellowship para magkaroon umano ng bonding ang mga regional at national officers habang siya ay umalis na agad dahil sa napagod sa dalawang araw na pagtitipon.
Wala na umano siya sa event nang magkaroon ng ganitong sayawan. “Kung andun ako, malamang napahinto natin yung sumayaw.”
Kapag natukoy at napatunayan ang pagkakasala, hindi umano siya mag-aatubili na sibakin sa serbisyo ang may responsibilidad nito.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?