Masaklap na nalaglag sa East semis ang Milwaukee Bucks kontra Miami Heat (4-1). Kaya, naglaho ang tsansa nitong makatuntong sa NBA finals.
Ngunit, optimistic pa rin ang Bucks sa mga susunod na season. Balak nitong magpalakas ng line-up.Katunayan, nasa radar nilang mahablot sa Oklahoma City Thunder si Chris Paul. Ito aniya ang solution sa roster deficiencies ng team.
Ayon kina Eric Nehm at Sam Amick ng The Athletic, gugugol ang Bucks ng $41.3 million next season para malambat si Paul.
May player option si Paul na $44. 2 million sa 2021-22 campaign. Kung mapaplantsa, maaaring maging kapalit nito sina Eric Bledsoe at Khris Middletone.
May posibilidad anila ito na matuloy dahil gusto ni Paul na mapunta rin sa Bucks. Ganun din aniya si Giannis. Gusto nito na maging teammate si Paul.
Kaya, humihiling ito sa Oklahoma na ma-trade siya. Ngunit, sa ibang ulat, malabo anilang mangyari dahil sa mataas ang salary ni Paul.
“I had heard he wanted to go to Milwaukee,” saad ni The Ringer’s Ryen Russillo ng The Ringers kay Adrian Wojnarowski’s ng The Woj Pod.
“Of course you’d want to go play with Giannis.”
“Giannis Antetokounmpo’s meeting with Bucks ownership over the weekend also included the Greek Freak.”
“Giving a list of desired players of whom he’d like to be teammates with. Chris Paul was on that list, I’m told,” ayon kay Brandon Robinson.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!