
Bubuslo na ang 2020-2021 NBA playoffs sa linggo ( Sabado sa Amerika). Ito’y matapos malarong lahat ng teams ang kabuuang 72 games sa regular season.
Sa taong ito, masyadong matindi ang match-up sa playoffs. Lalo na sa Western Conference.
Ang mukha ng magiging bracket sa playoffs sa Easten Conference ay matindi rin.
Habang isinusulat ang balitang ito, ang ibang teams ay naglalaro para sa play-in tournament. Ito ay para sa placing para makumpleto ang Top 8 sa bawat conference.
Sa East, maaaring makatapat ng no. 1 seed na Philadelphia 76ers ang Washington Wizards.
Maghaharap naman ang Brooklyn Nets (2) at Boston Celtics (7). Milwaukee Bucks (3) kontra Miami Heat (4) at New York Knicks (4) sa Atlanta Hawks (5).
Sa West naman, waiting ang Utah Jazz (1) kaninuman sa Warriors at Memphis. Depende sa resulta ng laro hanggang Sabado.
Haharap naman ang Phoenix sa Lakers. Denver Nuggets (3) kontra Portland Trailblazers (6) at LA Clippers (4) laban sa Dallas Mavericks (5).
Ang playoffs ay opisyal na magsisimula sa May 23 (May 24 PH time) kung wala nang magiging aberya sa placing.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN
LOUIE SALVADOR NG ‘PINAS NAGHARI SA FIDE-RATED CHESS TILT SA THAILAND