SA ikalawang pagkakataon ay muling pinahanga ng mga piling Pilipino Sikaran traditional martial artists ang sports enthusiasts sa Chase Center sa California hanggang sa iba’t- ibang panig ng mundo.
Ang Team Demo Sikaran Philippines /USA na itinatag ni Global Sikaran Federation founder/ president Hari Osias Catolos Banaag ay muling nagpakitang -gilas sa NBA Halftime Performers sa laro ng Golden State Warriors at Oklahoma Thunders na pinalakpakan nang husto ng libu-libong fans sa Chase Center at around the globe nitong nakaraang weekend.
Ang matagumpay na palabas ay ikalawang pagkakataon na matapos ang impresibong pakitang -gilas ng mga selected Pinoy Sikaran artists sa naturan ding venue na naiwagayway ang bandila ng Pilipinas at Estados Unidos sa kanilang parade of color papasok ng GSW hardcourt.
“Pangalawang pagkakataon na itong aming demonstration ang ipakita sa buong mundo ang talentong sariling atin.Ito ay totally pride ng mga Pilipino,” pahayag ni GM Osias na nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang patriotikong palabas tulad ng alkalde ng Delano na si Mayor Joe L.Alindajao, kina Master Crisanto Cuevas ng Raven Sikaran Martial Arts Tanay and California, GSF Master E.Banaag at Master Manuel Banaag ,Master German Patino ng Pasig Wildcat Sikaran at special mention sa masugid na tagasuporta ng traditional sports tulad ng Sikaran mula International Council of Traditional Sport and Games na sina Japan ICTSG executive Yuko Baba at Tetsuya Tsuda na kamakailan lang ay bumisita sa Pilipinas.
“Dahil sa tagumpay ay inaasahan natin ang tiyak na imbitasyon sa ating Sikaran sa iba’-ibang dinadagsang sports venue dito sa Estados Unidos”,ani pa Golden State Hall of Fame awardee at 2- time Presidential awardee (Pres. Bush at Trump) Grandmaster Banaag.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI