December 24, 2024

‘NBA bubble concept, dapat i-adopt ilang pro leagues gaya ng PBA, etc.’— Dr. Leanchon

Kagaya NBA bubble, kokopyahin ng PBA ang nasabing estilo upang hindi kumalat ang COVID-19. Ito ang mungkahi ng ex-adviser sa National Task Force ni Dr. Tony Leachon.

Gagawin ang naturang pamamaraan kapag nagresume na ang PBA, Chooks to Go 3X3 at Philippine Football leagues.

Aniya, malaki ang maitutulong nito upang hindi rin mailagay sa alanganin ang mga pro leagues. Lalo na’t nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ang Mega Manila.

Since may success factor ang bubble, baka kailangan PBA bubble din kasi meron kang reference model,” aniLeachon sa Saturday’s edition ng Power and Play.

Ang nasabing portion ay programa ni former PBA Commissioner Noli Eala sa 92.3 News FM.

Ayon pa kay Leachon, pinag-usapan  ang bubble concept ng mga kaibigan niya sa sporting community. Kabilang na rito sina San Miguel Beer coach Leo Austria and Chooks 3×3 Commissioner Eric Altamirano.

Ang siste, ilalatag ng PBA ang closed-circuit concept. Kung saan ay limitado ang mga players na umuwi ng bahay kapag may practice.

 Mahirap kasi di mo naman alam kung mamomonitor ba yan kung talagang bahay yan. Pwedeng kumain yan o pag nagpagasolina, pwedeng bumaba. Baka mahawa ka dun,” aniya.