Tapos na ang 2019-2020 season. Ito ang pinaka-longest season ng liga sa kasaysayan. Gayunman, para makahabol sa 2021 season, may sitsit na sisimulan ang new season sa January 2021.
Ayon sa ulat, ikakasa ito sa January 18 kaalinsabay ng Martin Luther King Jr Day. Gayunman, pinag-uusapan pa rin ng league and players union ang tungkol sa next season.
Ngunit, sinabi ng ilang sources na akma ang nasabing petsa sa pagsisimula ng 2021 NBA season. Ang iba naman ay sa Disyembre 25 pwedeng magstart.
“For starters, I’ve heard people in the league talking about a potential MLK date for a while, even as the “official” word was targeting December,” ani former Grizzlies executive John Hollinger.
“Logistically, this seems about the limit of how far they want to push the date back.”
“ Going any later moves the bulk of the playoffs deeper into summer and perhaps even into competing with the NFL, like it did this year.Plus, there’s an accordion effect on the following season as well – at some point, the league needs to get back to something closer to its normal schedule,” aniya.
Dagdag pa ni Hollinger, sa[at na ang dalawang buwan na paghahanda. Sa gayun ay maikasa ang akmang season start date.
Ayon naman sa mga reporters na sina Zach Lowe at Rachel Nichols ng ESPN, inaasahan na ang season ay magsisimula sa January 18. Gayundin ang speculation ni former Bleacher Report reporter Howard Beck.
Kung maikli lang ang season o papalo sa 58 games, pwedeng magstart sa January 18. Matatapos naman ito sa June 2021.Magsisimula naman ang playoffs sa September 2021.
Kung full 82 games, sa July na ito pwedeng magsimula dahil sa pandemya.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!