BILIB talaga ako dito kay Mary Jane Omes Arrabis o mas kilalang si Boobsie Wonderland kahit temporary siyang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 ay nakuha pa rin niyang tumulong sa kanyang mga kapwa tao.
Ang balita nga namin ay nakapagbigay pa ito ng tulong sa kanyang mga kababayan sa Norzagaray.
“Kahit papaano naman ay may naipon naman ako, hindi ko matiis ang aking mga kababayan na makita silang mga nagugutom. Kahit papaano naman ay nakatulong ako, ako kasi iyong tipo ng tao na ayaw kong makakita ng mga taong nagugutom. Kaya kung kaya ko rin naman, nagpapaluwal na ako. Masakit, pero wala naman tayong magagawa kung hindi ang tanggapin ang pandemic na ito,” ayon sa komedyante
“Ito na siguro iyong time na manalangin tayo at humingi nang tawad sa ating Panginoong Jesus. Kami nga hindi sanay na walang trabaho, dahil nagsara na ang Zirko at Clowns. Pero nagiging matatag pa rin naman kami. Laban lang, dahil alam natin na mapagtatagumpayan nating lahat itong pagsubok na dumating sa ating buhay,” dagdag pa niya.
“Alam niyo naman hangga’t buhay tayo, may malaking pag-asa ang sa atin na darating. Temporary lang naman iyan at pasasaan ba ay babalik na tayong unti-unti, maging matatag lang tayo dahil muli tayong makakabawi sa ating pagbagsak. Babangon atyo, kaya natin ito dahil, tayong mga Pilipino ay palaban at hindi basta-basta nasuko,” malumanay na pahayag ni Boobsie Wonderland.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA