PERSONAL na binisita nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang isinagawang Orientation at Contract Signing ng unang batch ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) para sa taong ito. Nasa 541 na mga Navoteño ang mabibigyan muli ng pagkakataong magkaroon ng hanapbuhay sa ilalim ng programa. Ang TUPAD ay isang programa sa ilalim ng Department of Labor and Employment na naglalayong mabigyan ng emergency employment ang mga taong nawalan ng kabuhayan, katuwang ang tanggapan ni Cong. Toby at ang NavotaAs Hanapbuhay Center. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA