MULING naipakita ng mga Navoteño ang kanilang mga talento at kasanayan sa paggawa ng pelikula at photography sa 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition.
Itinampok sa festival ang 8- hanggang 10 minutong maikling pelikula na nakasentro sa tema, “Navoteño LGBTQIA+, Mahalaga sa pag-angat ng Turismo at Ekonomiya.”
Labinsiyam na maikling pelikula, walo mula sa paaralan at 11 mula sa mga bukas na kategorya, ay ipinalabas nang libre noong Hunyo 22, 2024.
“We hope that through your films, we will be able to correct misconceptions about Navotas and its people, particularly those who belong to other gender identities,” ani Mayor John Rey Tiangco.
“Our goal is to produce quality short films and photographs that will put Navotas at the forefront of the booming creative industry in our country, show what our city can offer to potential visitors, and inspire our fellow Navoteños to promote a genderless society where everyone is treated and loved equally,” dagdag niya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ng festival ang mga maikling pelikula sa open at school categories para bigyan ng pagkakataon at hikayatin ang partisipasyon ng mga Navoteño filmmakers sa lahat ng edad.
Bago ang film fest, ang mga kalahok sa kategorya ng paaralan ay dumalo sa isang dalawang araw na workshop sa paggawa ng pelikula sa pangunguna ng advocacy filmmaker at professor na si Sheryl Rose Andes.
Samantala, ipinakita ng 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition ang Top 10 entries sa parehong school at open categories na akma sa tema ngayong taon, “Sulong Navoteña, sa Pag-unlad Ikaw ang Manguna!”
Isinagawa ang 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition alinsunod sa pagdiriwang ng ika-17 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA