
PERSONAL na binisita ni Mayor John Rey Tiangco sa opisyal na pagsisimula ng Navotas Youth Camp (sports and arts) para sa mga kabataang Navoteño bilang bahagi ng selebrasyon ng Pamahalang Lungsod ng ika-17 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. Kabilang sa sports na matutunan ay ang arnis, athletics, basketball, football, judo, karate, pencak silat, sepak takraw, swimming, taekwondo, touch football, wushu, at volleyball. Sa arts camp naman matututunan ang dance, guitar, theater arts, visual arts, at voice. (JUVY LUCERO)
More Stories
GSIS NAKAPAGTALA NG MATAAS NA NET INCOME NOONG 2024
KABABAIHAN, SOCIAL WORKERS KINILALA SA MAYNILA
2 lumabag sa ordinansa sa Caloocan, kulong sa P100K droga