Tig-tatlo ng namatay na COVID patients ang mga lungsod ng Navotas at Valenzuela batay sa pinakahuling ulat ng mga health offices ng mga nasabing lungsod.
Bunsod nito, umakyat sa 444 COVID death toll sa Navotas City, habang 1,765 ang active cases hanggang 11:59 pm ng Agosto 31 matapos na 88 ang makarekober at 158 naman ang magpositibo sa virus. Pumalo na sa 14,833 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital, at 12,264 na sa kanila ang gumaling.
Pumanhik naman sa 639 ang pandemic fatalities ng Valenzuela City hanggang 8 pm ng Setyembre 1 at 1,645 ang active COVID cases matapos na 164 ang magpositibo sa virus at 46 lamang ang gumaling. Umabot na sa 27,337 ang nasapul ng pandemya sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 25,053 na ang nagsigaling.
Walang naitalang namatay sa Malabon dahil sa COVID nitong Setyembre 1, ngunit 129 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 17,354 ang positive cases sa Malabon, 1,067 dito ang active cases, at nanatili naman sa 552 ang COVID death toll. Sa kabilang banda, 75 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumalingat sa kabuuan ay 15,735 ang recovered patients ng Malabon.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY