November 24, 2024

NAVOTAS TUMANGGAP NG INTERNS AT EX-OFWS PARA MAGTRABAHO SA CITY GOV’T

ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ay muling binuksan ang pinto para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood. Sila ay magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula July 2 hanggang November 29, 2024 at tatanggap ng suweldo na P610 kada araw. (JUVY LUCERO)

MULING binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood.

Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula July 2 hanggang November 29, 2024. Sa mga ito, 20 ang college graduates at dalawa ang nakatapos sa senior high school.

Ang programa ay naglalayon na magbigay ng oportunidad sa trabaho sa mga Navoteño na may edad 18-35 na nagtapos sa 2 o 4-years tertiary course o nakatapos sa K-12 curriculum.

Samantala, 24 Navoteños ang naka-enrol sa OFW Emergency Employment Program.

Ang mga kwalipikadong aplikante ay mga dating OFW na may edad 20-55 na pinauwi at hindi nag-renew ng kontrata sa ibang bansa mula noong 2024.

“Public service is a noble calling, and I am grateful to all who answer it. Our apprentices and returning OFWs bring fresh perspectives and invaluable experience to our city government. I am glad to see them join our ranks through these programs,” ani Mayor John Rey Tiangco.

“In Navotas, we believe in the power of opportunity. By investing in our youth and supporting our returning OFWs, we not only give them the means to earn their livelihood but also to harness their potential to contribute to the growth and stability of our city,” dagdag niya.

Ang NGAP at OFW Emergency Employment Program beneficiaries ay tatanggap ng suweldo na P610 kada araw.

Ang parehong programa ay pinondohan sa pamamagitan ng Navotas Gender and Development Focal Point System.