NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng 250 doses ng pneumococcal vaccine mula sa Department of Health (DOH sa pamamagitan ng pagsisikap ni dating Congressman at ngayo’y si Navotas City Mayor John Rey Tiangco.
Ibinunyag ng DOH na ang pneumococcal vaccine ay isa sa pinakamabisang bakuna kontra sa malubha at potentiall fatal pneumonia infections na kadalasan nararanasan ng mga matatanda.
Noong Martes ng hapon, ang Navotas City Health Office, sa tagubilin ni Mayor Tiangco ay nagsimulang mamahagi ng mga bakuna sa mga senior citizens na pinili ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) chapters.
Nauna rito, iniulat ng University of the Philippines (UP) Population Institute na ang pneumonia ay itinuturing na isa sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga senior citizens na edad 60 pataas.
Sa figure na ito, sinabi ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID), ang UP Population Institute ay lubos na inirerekomenda ang mga taong may edad 60 pataas na mabigyan ng pneumococcal vaccine upang tugunan hindi lamang ang pneumonia kundi pati na rin ang trangkaso. (JUVY LUCERO)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA