December 26, 2024

NAVOTAS TINANGGAP ANG 28 BAGONG SCHOLARS

Nasa 28 na bagong beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship para sa school year 2021-2022 ang malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

Sa 28, 15 ang pumasok na high school freshmen, 11 ang pumasok na college freshmen, at dalawang mga guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.

“We wish to congratulate our new academic scholars as well as their parents. While the pandemic has brought about overwhelming challenges to our school sector, our scholars persevered and strived to excel in their studies. They truly deserve the educational aid they will be getting from our city government,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ang mga iskolar ay sumailalim sa isang kwalipikadong pagsusulit noong Hulyo at isang interview noong Agosto.

Ang mga iskolar ng high school ay makakatanggap ng P18,000 bawat academic year para sa mga libro, transportasyon, at food allowance.

Ang scholars ng Navotas Polytechnic College ay makakatanggap P22,000 bawat academic year para sa tuition, libro, transportation, at food allowance habang ang scholars ng iba pang colleges o universities ay makakatanggap ng P262,000.

Samantala, ang teacher-scholars ay makakatanggap ng P75,000 bawat academic year para sa kanilang tuition, libro, transportation, food allowance, at research grant.

Mula nang mailunsad ito noong 2011, ang NavotaAs Academic Scholarship ay nagawang suportahan ang edukasyon ng 999 na mga iskolar.

Bukod sa academic scholarship, nag-aalok din ang pamalaang lungsod ng mga iskolarship sa mga mag-aaral na magagaling sa palakasan at sa sining.