PINANGUNAHAN ni Navotas Congressman John Rey Tiangco, kasama si Rolando Dela Torre, District Director of Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-CAMANAVA, ang pamamahagi ng tool kits sa Navoteño tech-voc graduates, nitong Miyerkules.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, nasa 48 na nakapasa ng Bread Making Leading to Bread and Pastry Production NC II ang nakatanggap ng oven at baking tools, digital weighing scale, mixing bowl, measuring cup at spoon sa ilalim ng Special Training for Employment Program.
Ang ipinamahaging tool kits ay nagkakahalaga ng P5,000 bawat isa.
Ang mga benepisyaryo ay nagsanay at nakompleto ang kanilang kurso noong December 2021 sa Horizons Institute of Technology, isang partner technical and vocational education and training (TVET) institute (TVI) ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.
“Aside from the free courses offered at NAVOTAAS Institute, we teamed up with other tech-voc centers in neighboring cities so that Navoteños will have access to more courses and learning opportunities,” ani Tiangco.
“We hope that by providing them with quality skills training and scholarship benefits, including allowances and tool kits, they will be more eager to pursue their dream careers and businesses,” dagdag niya.
Nauna rito, ang mga nagtapos ay nakatanggap ng P2,600 halaga ng training support fund, at internet at personal protective equipment allowance.
Dumalo rin sa seremonya si Michael Caisip, Technical Education and Skills Development Specialist II of TESDA CAMANAVA, Leslie Borromeo at Heidi Ramos, Marketing Manager and Registrar of Horizons Institute of Technology, respectively.
Simula January ngayon taon, umabot na sa 350 ang nakapagtapos mula sa NAVOTAAS Institute.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA