November 14, 2024

Navotas solon tiwala sa PBBM admin na mapapabuti ang kapakanan ng mga guro

NANINIWALA si Navotas Congressman Toby Tiangco na ang pagpapalabas ng mga bagong alituntunin para sa flexible na oras ng pagtuturo sa ilalim ng MATATAG basic education curriculum ay magpapabuti sa kapakanan ng guro at makatutulong na mapalakas ang learning competencies ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

“I welcome the sustained efforts of the Department of Education to improve teacher welfare in the country, as directed by President Bongbong Marcos. Allowing flexibilities in teaching schedule will enable our teaching personnel the latitude in class preparation and instruction and will provide them options to adopt class schedules that are more responsive to the needs of our students,” ani Tiangco.

Gayunman, hinimok ni Rep. Tiangco ang Kagawaran ng Edukasyon na maging handa sa agarang pagmomonitor at pagsusuri sa epekto ng bagong pamamaraan sa mga estudyante.

“Kaya napakahalaga na masusing bantayan ang resulta ng mga reporma dahil kung makikita natin na hindi ito nakatutulong, mas mabilis tayong makagagawa ng pagbabago sa mga inisyatibo para sa edukasyon,” sabi niya.

Bilang Chair ng Committee on Information and Communications Technology, pinapurihan ni Rep. Tianco ang pagsisikap ng ahensiya sa pagpapahintulot sa online distance learning bilang paraan ng pagtuturo.

“We must leverage technology to address the diverse challenges facing our education sector. By embracing flexible delivery modalities, we can ensure broader access to quality instruction, especially in areas where in-person teaching may be difficult or impractical,” pahayag ng mambabatas.

Hinimok din niya ang ahensiya na tumuklas pa ng mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo, mga bagong curriculum, at materyales na magaggamit sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga estudyante.

“We have to recognize that children today consume information differently. If we take these realities into consideration, coupled with strong programs for our curriculum delivery and teacher development, we can breach the gap between instruction and learning,” aniya.

“I commend DepEd for acknowledging the diverse needs of our learners and providing various delivery modalities to address these differences. There is no one-size-fits-all solution to the challenges in our education sector. A thorough evaluation of our current programs is essential, as it will guide the direction of future implementation and highlight necessary reforms to ensure continued improvement,” sabi pa ng Solon.