Nagpahayag ng intesyon ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagsali sa pilot study ng face-to-face classes na gagawin sa November 15, 2021.
Ito’y matapos pirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang sulat ni Dr. Al Ibañez, OIC-Assistant Schools Division Superintendent ng lungsod, bilang pagsang-ayon na sumali sa pilot study ng F2F classes.
Ayon kay Mayor Tiangco, 45 na mga senior high students ang kasali rito sakaling aprubahan ito ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).
“Nagmeeting na rin po tayo kasama ang mga concerned offices tungkol dito. Napagkasunduan natin na dapat bakunado ang mga batang kasali sa face-to-face classes kaya bibigyan ng prayoridad sa pagbabakuna ang mga papasok sa F2F classes,” pahayag ni Tiangco.
Tandaan lamang aniya na voluntary ang pagbabakuna at depende ito sa desisyon ng bata at ng kanyang magulang o guardian.
Dagdag niya, para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro, mga bakunado lang muna ang papayagan pumasok. (JUVY LUCERO)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna