ANG pamahalaang lungsod ng Navotas ay pumasok sa isang kasunduan, kasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383 sa lungsod.
Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding kasama si CWC undersecretary Angelo M. Tapales.
Sa ilalim ng MOU, gagawin ng lungsod ang Makabata Helpline bilang karagdagang serbisyo sa hotline na naa-access ng publiko para sa child-related concerns.
“Our city treasures its young population. Through the Makabata 1383, we encourage people, especially the youth, to report instances of child abuse and violence, and help to immediately resolve these cases,” saad ni Mayor Tiangco.
Ang CWC, sa pakikipagtulungan sa Navotas, ay naglalayon na gawing popular ang child helpline service at i-maximize ang mga operasyon nito upang makinabang ang mas maraming mga bata at pamilyang Pilipino.
Ang Makabata Hotline, na inilunsad noong Nobyembre 2023, ay binuo ng CWC upang magbigay ng plataporma para sa mga bata na mag-ulat ng anumang uri ng karahasan, pang-aabuso, at pagsasamantala.
Nilalayon din nitong tugunan ang paglabag sa mga karapatan ng bata sa pamamagitan ng agarang koordinasyon at prevention measures.
Dumalo rin sa seremonya sina Atty. Karen Gina Dupra, CWC Project Management Office Head, at Ms. Jennifer Serrano, City Social Welfare and Development Officer.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA