Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang isang executive order na naglilinaw sa curfew rules sa gitna ng ipinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Navotas.
Ang Executive Order No. TMT-172 Serye ng 2021 ay naghangad na tukuyin ang ilang mga aktibidad na hindi pa partikular na naibigay sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) resolutions at ang Comprehensive List of Authorized Persons Outside of Residence (APOR).
“These 14 days is vital in our fight against COVID-19. We have to take stringent measures to ensure that this ECQ will bring us positive results. We need to put a stop to the growing number of cases in the city,” ani Mayor Toby Tiangco.
Sa ilalim ng EO, lahat ng mga residente, manggagawa, at negosyante sa loob ng teritoryo ng Navotas, kabilang ang mga pansamantalang bisita, ay dapat sumunod sa mga patakaran ng ECQ na ipinatupad sa lungsod.
Ang Curfew hours ay nasa pagitan ng 8:00 PM hanggang 4:00 AM.
Ang pagbili ng mahahalagang bagay ay dapat gawin ng mga indibidwal na 18 hanggang 65 taong gulang bago ang oras ng curfew at sa naka-iskedyul na araw ng pamilihan ng kani-kanilang mga barangay.
Aang lahat ng essential retail at trade establishments kabilang ang public markets, supermarkets, grocery stores, convenience stores, water-refilling stations, at iba pa ay sakop ng curfew hours maliban sa mga pharmacies at drugstores.
Samantala, ang food preparation establishments kabilang ang commissaries, restaurants, at eateries ay pinayagan na mag-operate sa pamamagitan ng take-outs at deliveries. Pinayagan din silang magnegosyo sa curfew hours, sa kondisyon na magsisilbi lamang sila sa mga APOR.
Pinapayagan ang food deliveries mula sa labas ng Navotas sa pagitan ng 4 AM – 8 PM. Sa kabilang banda, ang parehong serbisyo ng mga nakarehistrong food establishments sa lungsod, na pinatunayan ng kanilang business permit ay pinapayagan kahit sa curfew hours.
Pinapayagan ang public at private transportasyon alinsunod sa Omnibus Rules and Regulations na inisyu ng Department of Transportation, basta sumunod ang mga driver at operator sa minimum health protocols. (JUVY LUCERO)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna