December 26, 2024

NAVOTAS NILAGDAAN ANG MOA SA FISHERFOLK SCHOLARS

Pinirmahan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang isang memorandum of agreement na nagbibigay ng scholarship sa mga Navoteño student mula sa fisherfolk families.

Tatlong college at apat na high school students ay qualified para sa Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship sa ilalim ng NavotaAs Scholarship Program.

Ang Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship ay ibinigay sa mga miyembro ng pamilya na mga rehistradong mangingisda na nanalo sa taunang search para sa Top Ten Most Outstanding Fisherfolk.

“Education is the best gift parents can give their children. We know that Navoteno fisherfolks also think that way and we are here to help them fulfill their aspirations for their children,” ani Mayor Toby Tiangco.

“We hope to give the children and other family members of our registered fisherfolks the opportunity to finish their education, achieve their dreams, and create a better future,” dagdag niya.

Ang Navotas ay nagbibigay sa Ulirang Pamilyang Mangingisda scholars ng P16,500 allowance para sa transportasyon at pagkain, at P1,500 na book stipend kada academic year.

Ang mga iskolar ay inaasahang dadalo sa kanilang mga klase at aktibidad sa paaralan, mapanatili ang pasa dong grado, at tuparin ang iba pang mga gawain.

Ang scholarship ay maaaring i-renew taun-taon, depende sa pagsunod ng benepisyaryo sa mga tuntunin at kundisyon na itinakda ng pamahalaang lungsod.

Itinatag ng Navotas ang programa noong 2018 at mula noon ay nagkaroon na ng 25na mga benepisyaryo.

Ang pamahalaang lungsod ay nagbibigay din ng academic scholarship sa mga mag-aaral na mahusay sa kanilang pag-aaral at mga guro na gustong ituloy ang graduate school, gayundin ang mga athletic at art scholarship. Ang mga programa ay inilunsad noong 2011, 2016 at 2017. (JUVY LUCERO)