NASUNGKIT ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang silver award sa Treatment Coverage Rate ng Tuberculosis sa Department of Health Race to End TB Annual Awards.
Tinanggap ni Vice Mayor Tito Sanchez ang plaque noong Agosto 15, 2023 sa Crowne Plaza Manila Galleria kung saan nagmarka ang Navotas ng 93.9% increase rate ng pagtuklas ng kaso ng TB noong 2022.
Nagpasalamat naman si Mayor John Rey Tiangco sa mga health worker ng Navotas sa pagtupad sa kanilang tungkulin para sa mga nasasakupan na dumaranas ng sakit, at mabigyan sila ng maayos at sapat na pangangalagang medikal.
“We also call on each Navoteño to join the fight against TB. This disease is contagious, but curable. Patients can avail of its treatment for free at our accredited TB-DOTS centers,” ani Tiangco.
Sa 11 health center sa Navotas, lima ang nagbibigay ng Directly Observed Therapy for the Treatment of Tuberculosis (TB-DOTS) program.
Napansin ng DOH na ang aktibong case finding ng lungsod at sa tulong ng iba’t ibang sectgor stakeholders ng kalusugan, ay humantong sa makabuluhang pagtaas sa saklaw ng paggamot sa TB.
Noong 2020, sa ilalim ng Navotas City TB Control Program, sinimulan ng pamahalaang lungsod ang pagbibigay ng tulong pangkabuhayan sa mga TB patient na nakatapos ng 6-8 buwang paggamot.
Noong 2022, 583 Navoteño ang nakatanggap ng kanilang P3,000 na tulong pinansyal.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA