November 24, 2024

NAVOTAS NANGUNA SA MANILA BAY REHAB PROGRAM

Tumanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas matapos itong manguna sa pagpapatupad ng Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP). Sa iskor na 96.7%, tinanghal ang Navotas na 2020 Most Compliant Local Government Unit sa pagpapatupad ng Korte Suprema na patuloy na mandamus sa pagpapanatili ng kalinisan sa Manila Bay. (JUVY LUCERO)

Nakatanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas matapos itong manguna sa pagpapatupad ng Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP).

Sa iskor na 96.7%, tinanghal ang Navotas na 2020 Most Compliant Local Government Unit sa pagpapatupad ng Korte Suprema na patuloy na mandamus sa pagpapanatili ng kalinisan sa Manila Bay.

“In the past years, Navotas scored low in the MBCRPP. We strived to rework our priorities, strengthen our partnership with environmental organizations and agencies, and establish institutional changes to ensure that we will not just be compliant but committed in the rehabilitation of Manila Bay,” ani Mayor Toby Tiangco.

Nakakuha ang Navotas ng 100% iskor sa parehong imformal settler families cluster at information, edukasyon at campaign. Nakakuha rin ito ng 97% sa solid waste management cluster at 92% sa liquidwaste management cluster.

Kabilang sa mga priyoridad sa pag-unlad ng lungsod ay ang pagbibigay ng disenteng pabahay para sa mga nasasakupan nito, lalo na ang mga imformal settler  na mga pamilya ng naninirahan sa mga danger zones.


Bukod sa off-city resettlements ng National Housing Authority, ang Navotas ay may anim na housing projects na may 2,595 units.

Nakipagtulungan din ang lungsod sa Mother Earth Foundation, na tumulong sa pagtaguyod nito ng isang phased, low-cost at community-centered zero waste program.
Nauna rito, pangatlo ang Navotas sa Gawad Taga-Ilog: Search for the Most Improved Estero sa Metro Manila para sa entry nito, ang Bangkulasi River.