Nasa 1,451 pamilyang Navoteno na apektado ng ECQ ang nakatanggap ng relief packs na naglalaman ng limang kilong bigas, walong pirasong assorted canned goods at dalawang washable facemasks sa unang araw ng relief operations ng pamahalaang lungsod. (JUVY LUCERO)
Kaagad namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mamamayan makaraang ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Nasa 1,451 pamilyang Navoteno na apektado ng ECQ ang nakatanggap ng relief packs sa unang araw ng relief operations ng pamahalaang lungsod.
Ang beneficiaries na mula sa Barangay Bagumbayan North at Navotas East ay nabigyan ng food packs na naglalaman ng limang kilong bigas, walong pirasong assorted canned goods at dalawang washable facemasks.
“All of us felt the adverse impact of the strictest level of community quarantine last year and, as much as possible, we do not want a repeat. However, with the country’s daily cases reaching more than 10 thousand, and with Metro Manila as the epicenter of virus transmission, we have no choice but to implement stringent safety measures again,” ani Mayor Toby Tiangco.
“City hall personnel tasked to pack and distribute the relief packs are making all efforts to reach and extend help to all our constituents at the soonest. We ask for understanding since the goods cannot be distributed all at the same time. However, rest assured that extra efforts are being done to distribute them as quickly as possible,” aniya.
Iginiit din ni Tiango ang kanyang apela sa publiko na patuloy na sundin ang minimum safety protocols at ang mga patnubay sa pagpapatupad ng community quarantine, hindi lamang protektahan ang sarili kundi ang kanilang mga mahal sa buhay at kapwa Navotenos. Target ng pamahalaang lungsod na mabigyan ng relief packs ang 80,000 mga pamilya. Sinimulan din nito ang pagkuha ng karagdagang suplay ng pagkain tulad ng bigas, mga de lata, at iba pa upang matiyak na may stocks sakaling mapalawig ang ECQ.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA