November 5, 2024

NAVOTAS NAMIGAY NG 5-MONTH CASH ALLOWANCE SA PWD SCHOLARS

NAMAHAGI na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng cash allowance sa special education (SPED) students. Nasa 375 beneficiaries ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang January hanggang May cash allowance na nagkakahalaga sa P2,500. (JUVY LUCERO)

SINIMULAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng cash allowance sa special education (SPED) students.

Nasa 375 beneficiaries ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang January hanggang May cash allowance na nagkakahalaga sa P2,500.

Sa bilang na ito, 341 ang elementary students, 12 ang high school, at 22 ang kasalukuyang enrolled sa Navotas Polytechnic College.

Sa ilalim ng scholarship, magbibigay ang Navotas sa PWD students ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year.

Sa kabilang banda, ang mga iskolar ay inaasahang dumalo ng hindi bababa sa 90% ng inilaang mga araw ng paaralan bawat taon ng pag-aaral at aktibong lumahok sa kani-kanilang mga klase.

“This school year has been difficult for our learners, especially those who are differently-abled. We hope that through the educational assistance, we were able to lessen their worries and help them cope with the challenges brought about by the pandemic,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ang mga aplikante sa programa ay kailangang maging Navoteños o kahit isa sa kanilang mga magulang /guardians ay bonifide residents at rehistradong botante sa Navotas.

Dapat silang magpatala sa isang pampublikong paaralan o anumang paaralan na SPED sa loob ng lungsod.

Dapat mayroon din silang PWD identification card na inisyu o validated ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at ang kanilang pamilya ay hindi dapat maging beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.